| NBI sa Bulacan, Isinusumbong!
ISang email na ipinadala sa inyong
SHOOTER ni grace (di niya
tunay na pangalan) ang lubos na
nakatawag ng aming pansin. Isinusumbong
niya ang bulok na sistema sa tanggapan
ng nBI sa Plaridel, Bulacan:
Good day po sir Raffy, nalaman
ko po na puwedeng mag e-mail ng
sumbong sa inyo through Commuter
Express ng MRT. Gusto ko po sanang
isumbong ang bulok na sistema ng NBI
dito po sa Plaridel Bulacan.
Madami pong kapalpakan ang
mga empleyado dito. Minsan kumuha
kami ng NBI clearance ng asawa ko
sa tanggapang ito. Napakadami pong
kumukuha rito, halos buong Bulacan
dito na lang kumukuha kaysa lumuwas
ng Maynila kasi mas malapit at
makatitipid pa sila ng pamasahe, ang
kaso, ang mga empleyado po ay pa
petiks-petiks lang.
Karamihan po sa kanila ay nakukuha
pang makipag-tsismisan sa
oras ng trabaho, meron naman po
pa-kape-kape pa kahit hindi pa naman
break time. Ang iba po ay umaalis sa
window nila kaya ang pila, diyos ko,
umaabot hanggang kalsada at parang
wala silang pakialam kung mahaba na
ang pila dahil sa commercial breaks na
ginagawa nila.
Ang finger printing naman po nila
ay may bayad na P5, masyadong
mahal kumpara sa P3 na bayad sa
Maynila na kung tutuusin ay ang wet
tissue lamang ang binabayaran mo.
Masyado pong mahal ang singil nila.
Ganun po ba ang dapat na presyo ng
singil kapag sa probinsya? Masyadong
mataas, hindi naman po namin alam
kung saan napupunta ang kinikita nila
sa finger printing na yan.
Ang mga teller pa po ay mahilig
mamahiya. Kapag may konting mali
sa naisulat ng aplikante, binabara at
ipinapahiya nila ng naka- microphone
at loud speaker. Ang nakakagulat pa
po rito ay tumatanggap pala sila ng
rush kaya lang patago kailangan mo
lang usisain kung sino bang dapat
mong kausapin sa loob. Kaya po namin
nalaman ay dahil kilala ng asawa ko
yung taga-bigay ng application sa may
entrance at itinuro po kami sa loob at
may kailangan lamang daw hanapin,
kausapin at bayaran ng P800... Imbes
na 10-14 days, eh magiging 5 days na
lang ang hihintayin kung magdagdag
bayad ka ng P800 sa regular na dapat
mong bayaran. Kesyo pamasahe daw
po nung tao na luluwas sa main office
para mai-process kaagad ang papel...
Sa aking palagay ay iligal ang mga
transaksyong iyon sana po mabisita
ninyo ang tanggapan nila dito sa Bulacan
sa lalong madaling panahon para
matulungan po ninyo ang mga Bulakenyo,
kawawa naman po ang mga mamamayan
dito sa Bulacan na nagtitiis
sa bulok na sistema nila... Maraming,
maraming salamat po! Grace.
Salamat sa iyong e-mail grace. Sa
araw ding ito, tatalakayin ng wanTEd
Sa RadYO ang iyong sumbong at kapapanayamin
ang mga kinauukulan ng
nBI upang matuldukan na ang bulok na
sistemang ito sa kanilang tanggapan sa
Plaridel, Bulacan. Umasa ka.. R.T.
|