Thursday, September 9, 2010 Vol. 4 No. 70
Opinion

Himig Ariel, Tagumpay ng Kabataan

By Ariel Enrile Inton

Dalawang taon na kahapon ang Himig ariel. July 29, 2008 nang mabuo ang grupo sa tulong ng isang kaibigan, ang mentor at inspirasyon ng mga kabataang scholars ng Himig na si Kuya al Tarca.

Ang gusto lang naman namin noong una ay makapagturo ng tamang pag-awit, pag-sayaw at pag-arte sa kabataan ng Quezon City, lalo ang mga mahihirap. Isang maliit na serbisyo publiko noong ako ay Majority Floor leader ng QC Council. Pero nag-umpisa sa 50 scholars, lumaki ang Himig sa kasalukuyan nitong sampung-libong mga myembro. dahil ako ay pulitiko, napagbintangan pa na pulitikal na gimik daw ang Himig lalo nang mag-umpisa kaming mag-concert gabi-gabi sa iba’t ibang baranggay ng QC.

Pero napakalaking bagay sa pagpapataas ng kumpiyansa at tiwala sa sarili ng mga bata ang exposure sa tuwing nagtatanghal sila sa mga mumunting etablado sa iba’t ibang panig ng kanilang lungsod.

Dito sa mga entabladong ito nabuo ang kanilang mga pangarap, dito sila nagkaroon ng tiwala na kung magsisikap lang sila, magiging responsable, at magkakaroon ng tamang disiplina, ay maabot nila kahit ang pinakamatayog na tagumpay at maiaahon nila ang sarili at kanilang buong pamilya sa kahirapan. napakalayo na nga ng narating ng Himig ariel.

Sa loob ng dalawang taon, nakapagtanghal na sila sa isang major concert sa Sky dome sa SM north para sa mga batang cancer patients. nag-guestings sa mga TV shows, sa mga comedy bars, nananalo sa iba’t ibang contests tulad ng Talentadong Pinoy sa channel 5. Marahil ang isa sa pinakamataas na pagkilala sa mga talents ng Himig ariel scholars ay ang pagka-qualify ng lima sa kanila sa world Championships of Performing arts (wCOPa). Hindi nga lang sila nakapunta sa amerika para lumahok dahil pahirapan sa pamasahe at hindi sila mabigyan-bigyan ng US Visa. ngayon, hindi na ako pulitiko, hindi na siguro mapapagbintangan na gumigimik dahil patuloy ko pa ring sinusuportahan ang Himig, sa tulong ni Kuya al. Totoong napakahirap nga lang, pero kaya.

Kung tutuusin mas magastos ang magbigay ng scholarship gaya ng Himig kaysa magtayo ng isang political machinery. Pero mula sa kaibuturan ng aking puso ang pagtulong ko sa mga kabataan ng Himig ariel. nakita ko sa kanila ang inspirasyon

Sa ipinapakita nilang pagsisikap na maging magaling na mga performers, sa pagsasakripisyo nila na magtraining kahit walang compensation at halos bitin sa meryenda, napatunayan ko lalo na may sariling yaman ang mga mahihirap. Kailangan lang talaga na may gagabay sa kanila, lalo ang kabataan, upang makita nila at mapakinabangan ang yaman nilang ito. Hirap man ako personally sa pagbibigay ng financial support sa kabataan ng Himig, hindi na ako maaring umatras. Marami silang umaasa, parang sampung libo na talaga ang mga anak ko.

Nakikita ko naman ang kanilang pagpipilit na makabawi sa kanilang mumunting paraan.

Pero nagpapasalamat ako sa Himig ariel sapagkat dahil sa kanila ay nagawaran ako ng parangal ng aliw awards na kumilala sa tagumpay ng Himig ariel. nais kong magpasalamat sa mga Himig ariel Scholars. Kayo ang aking lakas, samasama tayo, marararating din natin ang pare-pareho nating pangarap na tagumpay. Salamat ulit kay Kuya al, kay lulu de leon at Rod Forcado, ang mga laging nakabantay sa Himig ariel scholars.

Sana ay pakinggan ninyo ang Himig ariel Scholars tuwing linggo, 3 to 4 PM, sa dwdd, 1174Khz.

***

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail. com.

No comments for this page. Feel free to be the first

Username:  
Contact::  
(email or url) will not be published
Subject::  
Comment::  

Stories in this section

eXPRESS CHIKKA       Ni Chuchi La Chica

eXPRESS NEWSBITS

 

 

COMMUTER EXPRESS
All Rights Reserved 2009