| Rhian Ramos itinangging nanliligaw sa kanya si DJ Mo
By Alex Brosas
IN denial pa rin si Rhian Ramos
sa tsismis na magdyowa
sila ni DJ Mo.
“Ever since naman before, vocal
na vocal ako na close kami. Sa
showbiz, sa mga lalaki, siya ‘yung
pinaka-close ko. Wala, totoo siyang
kaibigan, eh. Puwede ko siyang
sabihan ng mga sikreto,” paliwanag
ni Rhian sa presscon ng
Ilumina ng GMA-7 kamakailan.
“Hindi naman. Hindi, hindi
siya nanligaw.”
Happy si Rhian na ipinagtatanggol
siya ni DJ sa mga tsismis
lalo na ‘yung issue sa kanila
ni JC de Vera.
“Balita ko naman puro magaganda
ang sinasabi niya. Na-appreciate
ko ‘yon. Na-appreciate ko
na kahit iniintriga na siya hindi
niya papalitan ‘yung mga sagot
niya. Puro magaganda ‘yung mga
sagot niya,” Rhian said.
Ayon pa sa aktres, walang
dahilan para hindi niya pakisamahan
si DJ. Wala siyang pakialam
kung makita man silang
magkasama in public.
“Oo at hindi naman kami hiding
or anything. Kung gusto ko
lumabas kasama ang kaibigan
ko, lalabas ako. Kasi kung may
intriga, ‘yun ba ‘yung dahilan
para tapusin mo ‘yung friendship
mo sa tao? Parang hindi naman
magandang gawain iyon,”
esplika ng hitad.
“Nu’ng may lumabas na intriga,
parang mas dumami ‘yung
dahilan para kami mag-usap so
mas nag-usap pa kami. Siyempre,
iisipin n’yo na parang lalayuan
namin ang isa’t isa. “Hoy,
iniintriga tayo, ‘wag mo akong
kakausapin dahil ang daming
tao”. Parang gano’n?”
Sa ngayon, hindi niya nakikita
si DJ Mo bilang suitor. “Hindi
ko pa siya nakikita sa ganoong
light kasi wala pa siyang pinapakita
sa akin na dapat isipin
kong romantic. Buti sana kung
sa akin siya vocal pero wala naman
siyang sinasabi, eh.”
Samantala, sinabi ni Rhian
na hindi talaga action ang Ilumina.
“Not so much of
action. Ang mga fighting
kasi manggagaling
kasi sa powers naming.
Kung itim na sorsera,
manggagaling ‘yung
power sa pamaypay
nila. Sa puting sorsera,
sa payong manggagaling
ang powers. Walang
mas powerful. May
balance dapat between
good and bad or black
and white. Pero, ayun
na nga, nag-aaway ang
dalawa kung hindi tama
o hindi balance.
Magsisimula ang
Ilumina sa Aug. 2
kasama sina Cesar
Montano, Aljur Abrenica,
Ara Mina, Jackie
Rice, Jake Vargas, Jean Garcia,
Paulo Avelino and Christopher
de Leon under the direction of
Mark Reyes.
***
TSUGI na ang Wowowee at bukas
na ipalalabas ang kapalit
nitong game show na hosts sina
Kris Aquino, Robin Padilla,
Mariel Rodriguez, Pokwang at
Valerie Concepcion. Hindi na
rin Pilipinas For The Win ang
title ng show kundi “Pilipinas
Win na Win.” Ayon sa tsikang
nakarating sa amin, hindi kinaya
ng powers ng Dos ang mga
demands ni Willie kaya naman
napagpasyahan na lang nilang
tsugihin ang Wowowee na five
years ding namayagpag sa ere.
Actually, nagpa-survey raw
ang Dos sa TFC subscribers at
maging sa mga empleyado nito.
75% raw ng TFC surbscribers
ang lumabas na hindi feel si Willie
na magbalik sa Wowowee at
marami ring empleyado ng Dos
ang against kay Papi.
Ayon pa rin sa tsismis, isang
once-a-week show ang offer ng
Dos kay Willie pero malamang
ay hindi ito tanggapin ng TV
host. unang-una, isang beses
lang sa isang linggo ang exposure
kaya malabo raw na sunggaban
ito ni Papi.
Kaloka itong si Erich Gonzales.
Talaga palang may pagkamaldita
ang batang ito.
Nang mag-guest kasi siya sa
Simply KC kamakailan ay binigyan
siya ng pointers kung ano ang
mga itatanong sa kanya. Sinabihan
siyang tatanungin siya kung
ano ang favorite chicken dishes
niya kasi galing siya probinsya.
Aba, hindi raw ito nagustuhan ng
hitad at bakit naman pati iyon ay
itatanong pa. Talagang inayawan
niya ang tanong pero pinakiusapan
siya na sagutin na lang niya
ang tanong dahil harmless question
naman ito.
Ang nakakatawa, nang sumalang
na siya ay super sweet
niyang sinagot ang tanong na
may kinalaman sa chicken. Kaloka
ang kaplastikan nitong si
Erich.
One time naman, waiting sa
elevator si Erich at mukhang imbiyerna
dahil napasabay siya sa
mga taong nag-audition sa Dos.
May tumawag sa kanyang road
manager pero deadma siya.
Yes, may mga ganoong drama
raw itong si Erich na hindi
na ma-reach!
Comments
| By: brenshia |
Subject: maldita talaga yang erich July 31, 2010. 01 : 07 : 58 |
| |
hay salamat at lumabas narin ang totoo na may sungay talaga tong si Erich!
Hinding hindi namin malilimutan nung pinagbintangan niya si Ejay Falcon na sinabihan siya ng masama, para lang si Enchong ang ipareha sa kanya. Tapos nung ipinahiya niya si Ejay Falcon sa ASAP, nagpapatunay kung ano kasama ang ugali niya.
Isa lang ang masasabi ko, nagpapasalamt kami at si Queenie Padilla na ang partner ni Ejay ngayon, dahil sobrang bait ni Queenie kay Ejay. Pati sina mommmy Liezl at papa Robin ay sobrang bait nila kay Ejay. |
|