| Jaya goes heavy drama
MALAPIT na ang
pagtatapos ng kantaseryeng
“Diva,”
gusto naman daw pasukin
ni Jaya ang mundo ng heavy
drama, lalo’t natuklasan
niya na hindi naman pala
mahirap umiyak.
Dalawang araw na lang
ang nalalabi sa hit kantaserye
na Diva, kung saan nakumbinsi
ni Regine Velasquez
ang kanyang kaibigan na si
Jaya na umarte. Dito ay nakita
ng mga manonood ang
kakayahan si Jaya na magpatawa
gabi-gabi. Ano kaya ang
una niyang inisip noong nagsimula
siyang umarte?
“Ang buong pag-aakala
ko, I was gonna sing a lot,
pero buti hindi nga masyado.
Tapos siyempre, nung
pumasok ako sa pag-aartista,
inisip ko agad, ‘Naku
drama.’ Yun pala comedy,”
ayon sa singer.
Ngunit pagkatapos
ng Diva, iba ang gustong
tahakin na direksiyon ni
Jaya pagdating sa mga
susunod na projects na kanyang
tatanggapin.
“May sitcom kami na comedy,
pero I’m hoping to get
into some serious drama acting
talaga. I found out madali
palang umiyak,” paglalahad
niya. “Madali pala siya.”
|